Kasalang Thea-Rayver sa AKKK tinutukan ng Kapuso viewers | Bandera

Kasalang Thea-Rayver sa AKKK tinutukan ng Kapuso viewers

Ervin Santiago - February 25, 2019 - 12:20 AM


HINDI pinalagpas ng Kapuso viewers ang pasabog na episode ng GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko last Saturday kung saan bumandera na ang tunay na pagkatao ni Venus (Thea Tolentino).

Sumugod si Rachel (Kris Bernal) sa kasal nina Venus at Gavin (Rayver Cruz) at dito nga niya ibinuking na dating lalaki si Venus at nagpaopera lang ito sa ibang bansa. Na-shock si Gavin at pilit na pinaamin ang bride.

Siyempre, todo denay pa rin si Venus at ipinagsigawan na tunay siyang babae. Sinisiraan lang daw siya ni Rachel para hindi matuloy ang wedding. Pero biglang dumating si David (Juancho Trivino) para ipakita kay Gavin ang ebidensyang hawak nila na magpapatunay na isang transwoman si Venus.

Dito na nagalit si Gavin hanggang sa mag-walkout sa kanilang kasal. Sinundan siya ni Venus sa labas ng simbahan at nagmamakaawang humabol sa sasakyan ni Gavin habang isinisigaw ang, “Babae ako! Gavin, babae ako maniwala ka sa akin!” Pero dinedma lang siya ng kanyang runaway groom.

In fairness, pinuri ng viewers ang akting nina Rayver, Thea at Kris sa nasabing episode lalo na si Thea na talagang ayaw magpalamon pagdating sa mga matitinding eksena.

Sa nalalapit na pagta-tapos ng Asawa Ko, Karibal Ko ano ang kahihinatnan ng panloloko ni Venus kina Gavin at Rachel? Papayag ba siyang basta na lang masira ang lahat ng pinaghirapan niya para mapasakanya si Gavin? May alas pa ba siyang tinatago para hindi siya iwan ng sinasamba niyang lalaki?

At ano ang gagawin ni Rachel kapag bumandera na ang katotohanan na si Venus at ang dati niyang asawang si Nathan ay iisa? Yan ang tutukan sa mas malakas na pasabog ng finale week ng Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA pagkatapos ng Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending