4th Dreamers International Boys Challenge aarangkada sa Marso 28 | Bandera

4th Dreamers International Boys Challenge aarangkada sa Marso 28

- February 25, 2019 - 09:25 PM

 

MATAPOS ang tagumpay ng 6th Dreamers International Girls Basketball Challenge nitong nakalipas na buwan, ang Pinoy Youth Dreamers (PYD) ay muling magbabalik para naman sa international boys tournament sa darating na Marso.

Tinawag na 4th Dreamers International Boys Challenge, ang kumpetisyon ay muling gaganapin sa Batis Aramin Hotel and Resort sa Lucban, Quezon simula Marso 28.

Gaya ng naunang kumpetisyon, umaasa si PYD founding president Beaujing Acot na magiging malaking tagumpay ang nasabing torneo para sa mga boys.

“Tulad ng Dreamers Girls Challenge noong nkaraang buwan, naniniwala ako ba magiging malaking tagumpay ang boys edition,” pahayag ni Acot sa kanyang pagdalo sa 11th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club.

“Maraming bata at talentadong manlalaro mula Guam, Canada at Australia ang inaasahang darating. Maganda at kaaya-aya ang aming venue sa Batis Aramin. Excited na ang lahat para sa ating Dreamers Challenge,” dagdag pa ni Acot.

Ipinahayag din ni Acot na ang naturang torneo ay mahahati sa tatlong kategorya batay sa edad: 15 years old and under para sa mga player na ipinanganak noong 2003; 18-under para sa mga player na ipinanganak noong 2000; at 23-under para sa mga player na ipinanganak noong 1995.

Noong isang taon, ang Crossover Canada-Smart Communications ang nagdomina ng 18-under at 16-under division ng Dreamers Challenge na ginanap din sa Batis Aramin.

Si Matthew Daves ang nahirang na MVP.

Nakasama ni Acot sa weekly sports session na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at National Press Club sina two-time Olympian Stephen Fernandez ng taekwondo, MPBL Commissioner Kenneth Duremdes at Nueva Ecija Defenders team owner Atty. Bong Africa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending