Thea: Mas lumawak ang mundo ko dahil sa LGBTQ
SPEAKING of Asawa Ko, Karibal Ko, sinabi naman ng promising kontrabida ng serye na si Thea Tolentino na marami siyang natutunan tungkol sa LGBTQ community.
Isang transwoman ang role ni Thea sa AKKK at talaga namang patuloy niyang pinahahanga ang manonood dahil sa makatotohanan niyang pagganap bilang transgender na si Venus.
Ayon kay Thea lumawak ang kaalaman niya about sa LGBTQ, “Sobrang dami kong natutunan about them. Mas lumawak ‘yung world ko, mas naiintindihan ko na rin ngayon ang mga LGBTQ advocacies.”
Kasabay nito nagpasalamat naman ang co-star ni Thea sa serye na si Mela Habijan (na isang proud transwoman) dahil sa pagiging bukas ng kanyang puso para sa LGBTQ community.
Chika ni Mela, “Thank you dahil sinubukan mong unawain ang lahat ng nararanasan at nararamdaman ng LGBT lalo na ng mga transwomen, kasi for the record, it’s not easy being a transwoman, I should know…because I transitioned late.
“I think it’s one of the biggest risks I’ve ever taken but it’s also the best,” aniya pa.
Sa nalalapit na pagtatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko abangan kung ano ang magiging ending ng kasamaan at pagpapanggap ni Venus at tutukan kung ano ang magiging resbak sa kanya ni Rachel (Kris Bernal) sa lahat ng panlolokong ginawa niya.
Napapanood pa rin ang AKKK pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA lang. – EAS
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.