#May himala: Korina ginulat ang madlang pipol sa kambal na anak | Bandera

#May himala: Korina ginulat ang madlang pipol sa kambal na anak

Ervin Santiago |February 23,2019
facebook
share this

#May himala: Korina ginulat ang madlang pipol sa kambal na anak

Ervin Santiago - February 23, 2019 - 12:10 AM

MARAMI ang nagulat nang bigla na lang bumandera na may kambal na anak na pala sina Korina Sanchez at Mar Roxas. Tanong ng madlang pipol, kailan daw nagbuntis at nanganak ang host ng Rated K?

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Korina ng isang litrato kung saan makikita ang dalawang pares ng paa ng mga sanggol. Nilagyan ito ni Korina ng caption na, “I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true. Announcing the arrival of our little boy and little girl.

“We’re thinking of names. Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel (Padilla) and Kathryn (Bernardo)? Did you ever think it could still happen for me? I never stopped believing.”

Sa sumunod na post ng broadcast journalist, makikita naman siyang naglalakad sa kalye na punumpuno ng yelo na may caption na, “Hello and good morning from the land where very good things have happened! So, didn’t you wake up today believing again that miracles can indeed happen?!”

Kahapon, muling nag-post sa IG si Korina ng litrato ni Mar na kalung-kalong ang isa sa kanilang kambal. Nilagyan niya ito ng caption na, “At sa loob ng bahay? Guess who is trying to burp the babies?”

Ilang araw bago ang announcement nina Korina at Mar, kumalat ang balita tungkol sa additional member daw ng kanilang pamilya. May mga litrato kasing ipinost ang TV host kung saan makikita itong pumipili ng mga kagamitan ng baby habang nagpaalam naman ang kanyang asawa na break muna sa pangangampanya.

Balitang nagtungo ang senatoriable sa Pennsylvania para samahan ang asawa kung saan nga nila unang nasilayan ang kambal.

Wala pang ikinukuwento ang host ng Rated K kung paano nabuo at kung paano ipinanganak ang twins nila ni Mar. Pero kung hindi kami nagkakamali, ito’y sa pamamagitan ng IVF o In Vitro Fertilization.

Maraming nag-congratulate sa mag-asawa kabilang na ang mga celebrities na tuwang-tuwa sa pagiging nanay ni Korina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending