Kris sinagot sa korte ang grave threat case; Falcis brothers no show

By Reggee Bonoan February 22,2019
share this

Kris sinagot sa korte ang grave threat case; Falcis brothers no show

By Reggee Bonoan February 22,2019
share this

KRIS AQUINO AT NICKO FALCIS

HINDI sumipot ang magkapatid na Nicko at Atty. Jesus Falcis kanina sa Quezon City Regional Trial Court para sa kasong grave threat na isinampa nila laban kay Kris Aquino.

Nagsumite si Kris ng kanyang counter-affidavit sa nasabing kaso kasama ang kanyang abogado at anak na si Bimby. Ang aga pa namang dumating ng Queen of Social Media sa sala ni Senior Prosecutor Rolando Ramirez kung saan niya sinumpaan ang kanyang salaysay.

Ang abogado lang ng Falcis brothers na si Atty. Rodolfo Ponferrada, Jr. ang dumating sa korte para kunin ang kopya ng counter affidavit ni Kris.

Narito ang press statement ng isinumiteng counter affidavit ni Kris para sa grave threat case mula sa Divina Law office: “We filed the Counter-Affidavit of Ms Kris Aquino today to cause the dismissal of the case for grave threats filed against her by the Falcis brothers.

“The charge of Grave Threats against Ms Kris is a mere afterthought – a measly ploy to retaliate and to respond to the criminal cases she earlier filed against the Falcis brothers.

“Ms Kris did not threaten to kill Nicko. The supposed audio recording was not also submitted to the prosecutor. What they submitted is a mere screenshot of an article written about the supposed audio recording. Obviously, this hearsay and inadmissible in any proceeding.

“While Ms Kris truly called Nicko on 27 September 2018 when he was in Bangkok, Ms Kris simply wanted to demand an accounting from Nicko of the P45M investment that she entrusted to him. It came from the trust fund of the children of Ms Kris. That is why she was very angry and frustrated because Nicko refused to account for the money.

“Even if Ms Kris used harsh language, it was more of a threat of legal action or imprisonment for Nicko’s illegal acts against her. As shown by the fact that Ms Kris immediately instituted criminal cases for qualified theft against Nicko after 27 September 2018. Surely, there is nothing unlawful with the threat to sue.

“Also, the conversation was only between Ms Kris and Nicko. Atty. Jesus Falcis was not part of the phone conversation. Thus, it is surprising that he is also complainant in this case.

“Ms Kris believes in our legal process. That is why she filed cases the Falcis brothers and that is why she personally went to the prosecutor’s office today to file her Counter-Affidavit to the charges against her. This only shows that she does not believe in violence oy any other unlawful means of exacting justice.

“Ms Kris believes that this case against her will be dismissed because her defense is the TRUTH.”

Kasong qualified theft laban kay Nicko nadismis sa Makati court

Samantala, lumabas din ang balita na kasabay ng pagpunta ni Kris sa QC RTC na nadismis ang 44 counts of qualified theft na isinampa niya laban kay Nicko sa Makati City last year.

“No sufficient evidence,” ang bahagi ng resolusyon mula kay Assistant City Prosecutor Paolo Barcelona na inaprubahan ni Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel Medina. Bumaba ang desisyon nitong Peb. 18, 2019.

Hindi raw napatunayan ni Kris na ninakawan siya ni Nicko ng halagang P1.270 milyon gamit ang credit card na pag-aari ng KCAP.

Matatandaang isinampa ni Kris ang 44 counts of qualified theft laban kay Nicko sa pitong siyudad sa Metro Manila kabilang na ang Makati. May anim na siyudad pang natitira, ang San Juan, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Manila at Quezon City.

Habang sinusat namin ang artikulong ito hinihintay namin ang official statement ng mga legal counsel ni Kris hinggil sa pagkadismis ng kaso laban kay Nicko Falcis at kung ano na ang susunod nilang hakbang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending