Pinoy fans, naiyak, natulala sa homecoming parade ni Catriona Gray | Bandera

Pinoy fans, naiyak, natulala sa homecoming parade ni Catriona Gray

Ervin Santiago |February 21,2019
facebook
share this

Pinoy fans, naiyak, natulala sa homecoming parade ni Catriona Gray

Ervin Santiago - February 21, 2019 - 05:43 PM

HINDI pinalampas ng mga Pinoy ang pagkakataon na makita up close and personal si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa ginanap na homecoming parade kanina sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Pumarada si Catriona sakay ng isang lava-inspired float na nagsimula sa Sofitel Hotel grounds sa Manila. Dumaan ang parada sa Roxas Boulevard patungong Buendia na nagtapos sa Ayala Avenue, Makati.

Talagang inabangan ng mga kababayan natin ang pagdaan ni Catriona sa mga nasabing lugar kasabay ng paglabas ng mga empleyado mula sa kanilang mga opisina at ng mga residente sa mga kalyeng dinaanan ng ruta ng homecoming parade ng beauty queen.

Bumaha rin ng positibong mensahe sa social media mula sa mga taong nakasaksi ng parada at halos lahat sila ay pinuri ang ganda at kaseksihan ni Catriona. Ayon nga sa isang netizen, bakit daw kahit sobrang init ng panahon ay parang hindi humuhulas ang beauty ng dalaga.

Ibang-iba rin daw ang feeling nang matapunan sila ng tingin at ngiti ni Catriona. In fairness, may mga naiyak pa nga nang kawayan sila ng Pinay beauty queen at bigyan ng flying kiss.

Aliw na aliw din ang mga taong sumugod sa homecoming parade ng reigning Miss Universe dahil talagang bigay-todo si Catriona sa pagsasayaw kapag naririnig ang sigawan at palakpakan ng madlang pipol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending