Maymay may pasabog sa Catriona Gray Homecoming Concert' | Bandera

Maymay may pasabog sa Catriona Gray Homecoming Concert’

Ervin Santiago |February 21,2019
facebook
share this

Maymay may pasabog sa Catriona Gray Homecoming Concert’

Ervin Santiago - February 21, 2019 - 01:18 PM

MAYMAY ENTRATA

MAINIT na pinag-usapan sa social media at bumandera rin sa mga tabloid ang balita tungkol sa posibleng pagganap ni Maymay Entrata sa life story ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa Maalaala Mo Kaya.

Kumalat ang balita nang lumabas ang ilang litrato kung saan kasama ni Maymay ang shoe designer ni Catriona na si Jojo Bragais.

Ilang netizens ang nagsabi na baka ang Kapamilya young actress na ang napili para gumanap bilang Catriona Gray sa life story nito na gagawin ng MMK.

Sa pagbabalik ni Catriona sa bansa makalipas ang ilang linggong pananatili sa Amerika para sa kanyang Miss Universe duties, bukod sa parada, magkakaroon din ng homecoming concert para sa kanya sa darating na Linggo.

Isa sa mga involved sa event na ito ay ang direktor na si Alco Guerrero. Isang netizen ang nagtanong sa kanya tungkol nga sa litrato nina Maymay at Jojo Bragais with Catriona’s glam team at para saan ang kanilang collaboration.

Ayon sa direktor, hindi ito para sa MMK kundi para sa pagrampa ni Maymay at gagawing pasabog sa homecoming ni Catriona na gaganapin sa Feb. 24 sa Araneta Coliseum.

“Hello MayWard fam!!! Now that it’s out let’s clarify things. What we shot with Maymay and team Catriona is part of the show, and Maymay will be part of something special for the live event – she’ll be walking the runway,” ang mensahe ni Alco sa Twitter.

“(I’ve) been wanting to clarify since the shoot but of course we have to wait for official announcements. Ginapos ko na nga yung hands ko eh… joke,” aniya pa.

Umaasa ang fans ni Maymay na siya ang mapipili ng ABS-CBN para gumanap na Catriona Gray sa MMK. Mismong si Cat na kasi ang nagsabi sa isang panayam na si Maymay ang gusto niyang mag-portray sa kanyang life story sakaling gawin ito ng MMK.

Samantala, bukod kay Maymay, ka-join din sa Catriona Homecoming sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Morissette, Pia Wurtzbach, TNT Boys and many others.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending