Maine ginulat ang AlDub fans: Nag-post ng litrato nila ni Arjo for the first time | Bandera

Maine ginulat ang AlDub fans: Nag-post ng litrato nila ni Arjo for the first time

Ervin Santiago |February 21,2019
facebook
share this

Maine ginulat ang AlDub fans: Nag-post ng litrato nila ni Arjo for the first time

Ervin Santiago - February 21, 2019 - 10:46 AM

SIGURADONG ikinagulat din ng AlDub Nation ang pagpo-post ni Maine Mendoza ng litrato nila ni Arjo Atayde sa Instagram.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mismong si Maine ang nag-post ng photo nila ni Arjo sa social media sa gitna ng mga pamba-bash at pagbabanta diumano ng AlDub fans sa binata.

Kuha ang nasabing photo sa launching ng bagong make-up product na ineendorso ni Maine.

Makikita ang rumored couple na magkasa sa tila photo wall ng event kung saan may nakasabit na wrecking ball.

Nakaupo ang Phenomenal Star at Eat Bulaga Dabarkads sa wrecking ball habang nakatayo naman sa likuran niya si Arjo na parehong naka-wacky pose.

Ang maikling caption ni Maine sa kanyang IG post ay, “Uy, may fan.”

Maraming followers ni Maine ang natuwa nang makita ang wacky photo nila ng binata na umamin kamakailan na exclusively dating na sila ng Dubsmash Queen. Pero as expected, napakarami ring AlDub fans ang nagalit at halos isumpa sina Maine at Arjo.

Hindi pa rin sila makapaniwala sa pakikipagmabutihan ni Maine sa binatang anak ni Sylvia Sanchez. May ilan pa nga na nagsabing hindi magkakatuluyan ang dalawa dahil si Maine ay para kay Alden lang at wala nang iba pa .

Kamakailan ay naging kontrobersyal din ang pagpo-post ni Arjo ng litrato ni Maine sa IG na kuha sa New York kung saan sila nagkita para mag-date. Inalmahan din ito ng fans nina Maine at Alden at walang awang binash ang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending