Janella gusto ring mag-showbiz: Pero tumaba nga po nang tumaba | Bandera

Janella gusto ring mag-showbiz: Pero tumaba nga po nang tumaba

Julie Bonifacio |February 21,2019
facebook
share this

Janella gusto ring mag-showbiz: Pero tumaba nga po nang tumaba

Julie Bonifacio - February 21, 2019 - 12:40 AM


INAMIN ni San Juan City Vice Mayor Janella Ejercito Estrada na naging malapit sila ng anak ni Princess Revilla at dating Kapuso artist na si Anton Ocampo.

Naging close sila pero hindi naman sila umabot sa boyfriend-girlfriend stage. Naging busy na raw kasi sila sa kanya-kanya nilang buhay. Tinanong namin siya kung ‘di ba siya niyaya ni Anton na mag-artista gaya niya.

“Pangarap ko lang ‘yun dati. Kaso nga, tumaba nang tumaba. Ha-hahaha!” sagot ng anak ni former Sen. Jinggoy Estrada.

Kaya nu’ng Valentine’s Day wala siyang ka-date na special someone. Pero kasama niyang nag-celebrate ang mga senior citizen sa San Juan.

Mas focus si VM Janella sa pagbibigay serbisyo sa publiko gaya ng kanyang ama at lolo niya na si Manila Mayor Joseph Estrada. Bata pa lang si Janella ay pumasok na siya sa politika bilang councilor ng San Juan nu’ng 2013.

After one term as councilor, tumakabo na agad siya bilang Vice Mayor ng San Juan. At sa darating na May election, kahit teritoryo na raw ng pamilya niya ang San Juan nakaka-feel pa rin siya ng kaba.

Marami raw kasing pera ang kalaban niya.

Last year, nagpunta sa Amerika si Janella para mag-aral sa Harvard University. Kasama niyang nag-take ng kursong Emerging Leaders doon si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

One week lang naman daw sila doon. Pero plano nila ni Jolo na bumalik this year. Pipili pa lang daw sila ng course na iti-take nila, “Maiksi lang po ‘yun, pero nakaka-drain kasi buong araw, e. Actually, plano naming isama ang mga tatay naming. Para sama-sama kaming apat,” natawang sabi ni Janella.

Hindi na namin tinanong si Janella kung kasama ba ni Jolo nu’ng nagpunta sila sa US ang bagong girlfriend nito na si Angelica Alita. Para kasing isa lang ang circle of friends ni Jolo at ex-boyfriend ni Angelica na si Brian Llamanzares kaya nagka-inlaban silang dalawa. But of course, we may be wrong also.

Going back to Janella, inamin niya na daddy’s girl siya at spoiled siya noon. Pero may pagka-strict daw ang Daddy Jinggoy niya pagdating sa mga gustong pumorma sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo, strict siya. Ha-haha! Pero payag naman siya (na magka-boyfriend siya),” say pa ng batang politician.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending