Cristine mag-isang binubuhay ang anak kay Ali | Bandera

Cristine mag-isang binubuhay ang anak kay Ali

Julie Bonifacio |February 21,2019
facebook
share this

Cristine mag-isang binubuhay ang anak kay Ali

Julie Bonifacio - February 21, 2019 - 12:01 AM


NAGBAGO ang hitsura ni Cristine Reyes sa bago niyang hairstyle. Sa kanyang Instagram account ay ipinost ng aktres ang kanyang “before and after” look.

Makikita sa unang litrato na mahaba at kulay itim pa ang buhok ni Cristine habang sa katabing photo ay maigsi na ito at kulay red.

Comment ng ilang netizens, mas naging fierce ang appeal ni Cristine sa bago niyang hairstyle.

May kinalaman daw ang pagbabago ng buhok ni Cristine sa bago niyang pelikula with Xian Lim. Pero mas naniniwala ang marami na isa itong “statement” sa status ng buhay niya ngayon.

Hindi nga ba’t may paniniwala ang ilang Pinoy na kapag nagpagupit ng buhok ang isang babae tiyak daw na may pinagdaraanan sa buhay lalo na pagdating sa usaping pag-ibig?

Kalat na rin kasi ang balitang hiwalay na si Cristine sa asawa niyang si Ali Khatibi. Nagsimula ang kumpirmasyon diumano sa mga pahayag ng nakatatanda niyang kapatid na si Ara Mina. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na official statement si Cristine about the break-up.

May balita na mag-isa nang binubuhay ng aktres ang anak nila ni Ali pero kapag may espesyal na okasyon at events ang bata ay naroon naman ang tatay nito. May idea na kami kung bakit hindi nag-work ang relasyon ng dalawa pero wait na lang natin na si Cristine ang magsalita.

Say naman ng ilang netizens, bumagay kay Cristine ang kanyang red hair sa skin tone niya ngayon. Nagpa-tan kasi siya sa pamamagitan ng pagbibilad sa mga beach sa Thailand at Boracay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending