Yasmien pabor sa 'palo' para madisiplina ang mga bata | Bandera

Yasmien pabor sa ‘palo’ para madisiplina ang mga bata

Ervin Santiago |February 21,2019
facebook
share this

Yasmien pabor sa ‘palo’ para madisiplina ang mga bata

Ervin Santiago - February 21, 2019 - 12:05 AM


ISA ang Kapuso celebrity mom na si Yasmien Kurdi sa mga nanay na pabor sa pagpalo sa mga anak bilang bahagi ng pagdidisiplina,

Ayon kay Yas, naniniwala siya na hindi masama ang pagpalo sa mga bata hangga’t naipaliliwanag ng ina kung bakit nila ginagawa ito.

Pinapalo lang daw ni Yasmien ang anak na si Ayesha Zara kapag talagang may nagawa itong matinding kasalanan o pagkakamali. Pero aniya, sinisiguro niya na sa bahagi lamang ng katawan na hindi madaling magkaroon ng pasa.

“Pabor ako sa pamamalo lalo na kung ilang beses mo na pinagsabihan pero hindi pa rin sumusunod,” ang pahayag ng lead star ng upcoming Kapuso daytime series na Hiram Na Anak kung saan gaganap uli siyang nanay.

Dugtong ni Yas, “Pero dapat papaluin n’yo lang siya in a right place, maaalala kasi niya ‘yon.”

Payo pa niya sa mga tulad niyang mommy, hangga’t bata pa ay turuan na ang mga bata na magkaroon ng healthy living.

Isa sa mga itinuro niya kay Ayesha ay ang pag-iwas sa mga junk food, hindi rin niya binibigyan ng pera ang bata kapag pumapasok sa school.

Samantala, muling sasabak sa matinding dramahan si Yasmien sa bago niyang daytime series sa GMA, ang Hiram Na Anak na mapapanood na simula Feb. 25 bago mag-Eat Bulaga.

Gagampanan niya ang role bilang si Miren, ang mabait at maarugang asawa ni Benjo to be played by Dion Ignacio. Magiging masalimuot ang kanyang buhay matapos malaglag ang panganay na anak at mahihirapan nang mabuntis uli.

Isang bata ang aampunin nila ni Benjo ngunit magiging sanhi rin ito ng paghihirap niya bilang ina at asawa dahil sa mga taong konektado sa batang palalakihin nila na gagampanan naman ng magaling na child star na si Leanne Bautista.

Makakasama rin sa Hiram Na Anak sina Lauren Young, Paolo Contis, Maey Bautista, Empress Schuck, Rita Avila at marami pang iba, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending