PINABABA ang may 450 pasahero ng Metro Rail Transit kahapon matapos na magkaproblema ang makina ng isang tren nito ngayong araw.
Ayon sa MRT3, pinababa ang mga pasahero sa south bound lane ng Quezon Avenue station alas-12:48 ng hapon.
Nagkaroon ng electrical failure ang motor ng tren.
Nakasakay ang mga pinababang pasahero sa tren na dumating alas-1:06 ng hapon.
Isa sa posibleng sanhi ng problema ang kalumaan ng electrical sub-components.
Humingi ng paumanhin ang MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending