Regine rumesbak sa fans na nang-okray kay Morissette: Umiinit ulo ko sa inyo...pinapahiya n'yo ko | Bandera

Regine rumesbak sa fans na nang-okray kay Morissette: Umiinit ulo ko sa inyo…pinapahiya n’yo ko

Ervin Santiago - February 19, 2019 - 06:13 PM


HINDI pinalampas ni Regine Velasquez ang pang-ookray at pambabastos ng ilan sa kanyang mga fans kay Morissette.

Sa sunud-sunod na tweet ng Asia’s Songbird, ipinagtanggol niya ang Kapamilya singer mula sa mga bashers na nag-ugat matapos nilang kantahin sa ASAP ang “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka” na isa sa kanyang mga personal favorite.

Nag-ugat ang pamimintas ng ilang netizens kay Morissette sa papuring ibinigay ni Regine sa dalaga. Sey sa kanya ng Songbird, “I just want to say — you own this song, and I’m happy that you’re singing it, because it’s giving another life to the song. Wala na akong magagawa sa kantang ‘yan, so it’s yours. Thank you for singing it.”

Isang Twitter user ang nag-post ng masasakit na salita laban kay Morissette matapos ang duet nila ni Regine, “Hindi mo man lang tinanggihan si Queen Regine nu’ng ini-echos ka niyang iyo na ang kanta. Mahadera ka kasi! Feeling mo talaga. Starlet ka lang!

“Never mo mararating kahit one-fourth ng achievements ni Regine or Sarah man. Magka-hit song ka muna ulit! Kagigil ka!”

Nang makarating ito kay Regine, agad niyang niresbakan ang mga netizens na nag-comment ng puro kanegahan,
“Guys, what’s wrong with me giving the song to her? That song will always be mine but the truth is hindi ko naman mare-record ‘yun at wala na akong magagawa du’n. Ba’t ba mas marunong pa kayo sa ‘kin?

“I want her to record the song so the new generation will know the song. It will have a new life. She will definitely own it siyempre, because that’s what we do. Ako, ‘pag kumakanta ng songs ng ibang tao, hindi naman sila nag re-react ng ganyan. I happen to love this girl because I think she is so talented. Utang na loob, ‘wag OA!” pahayag pa ng misis ni Ogie Alcasid.

Pagpapatuloy pa niya, “Puwede huwag niyo ‘ko sabihan nabubuwisit kayo sa ‘kin dahil binigay ko ‘yung song? Hindi ako ang may-ari ng song. Songwriter ang [may karapatan] doon, I’m just an interpreter.”

“At bakit tatanggihan, ha? Gusto mo, ipahiya niya ko? OA ka! O, tapos naka private, ayaw mapagsabihan, pero kung makautos at makapagsalita kayo sa ‘kin parang pag-aari niyo ‘ko.

“Besides my body of work is my body of work. I don’t need you to protect that…that’s finished already.”

“Umiinit ulo ko sa inyo. Ang pinaka ayoko ‘yung napapahiya sa kagagawan ng ibang tao! Hindi ako mag ri-relax, pinapahiya niyo ‘ko… I’m disappointed,” pahayag pa ni Regine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending