Kris: Grateful ako kay Phillip Salvador dahil hindi niya kami ginulo

February 18,2019
share this

Kris: Grateful ako kay Phillip Salvador dahil hindi niya kami ginulo

February 18,2019
share this


“GRATEFUL ako kay Phillip Salvador.” Yan ang ipinagdiinan ni Kris Aquino nang matanong tungkol sa mga tatay ng dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.

Sa isang bahagi ng “Unscripted with Kris,” ang four-part series video na ginawa ng Social Media Queen as part of her 48th birthday celebration, sinabi niyang wala siyang masasabing nega kay Ipe.

Natanong kasi si Kris kung nagparamdam ba ang ama ni Joshua at ang tatay ni Bimby na si James Yap noong kasagsagan ng mga kontrobersya sa kanyang personal na buhay at career, lalo na nang ibandera niya ang tunay niyang karamdaman.

Panimula ni Kris, “I’ve stayed silent, so I’ll remain silent na lang. Marami kasi masyadong mauungkat if I open that Pandora’s box. I’ll stay nice.”

Pero paglilinaw niya, “No issues whatsoever kay Phillip Salvador, kasi hindi naman niya kami ginulo. Wala siyang masamang sinabi tungkol sa akin.

“Publicly, pinuri niya ang pamilya ko, ang mom ko, ako, mga kapatid ko sa pagpapala-king nagawa namin kay Josh. So, sa kaniya, grateful ako,” aniya pa. Hirit pa ni Tetay, “Sa tatay ni Bimb, I think we’re better off this way.”

Sa Japan nag-celebrate ng 48th birthday si Kris kasama ang dalawang anak at kung hindi nagkaroon ng aberya, nakabalik na kahapon ang mag-iina sa bansa. Ayon kay Kris, magkakasunud-sunod kasi uli ang trabaho niya sa mga susunod na linggo kaya nagpakasaya muna sila sa kanilang “happy place.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending