Ilang fans nina Maine at Alden bulag, pipi at bingi | Bandera

Ilang fans nina Maine at Alden bulag, pipi at bingi

Cristy Fermin - February 18, 2019 - 12:01 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

KAILAN  kaya matatanggap ng mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza na talagang hindi sila para sa isa’t isa? Tanggap ‘yun ng kanilang mga idolo, palagi nilang sinasabi na magkaibigan lang sila at walang relasyon, mahirap bang intindihin ‘yun?

Anong lengguwahe pa kaya ang kailangang gamitin nina Alden at Maine para maunawaan ng kanilang mga tagahanga na hanggang sa pagkakaibigan lang talaga ang meron sila ngayon?

Hindi naman lahat, may mga tagahanga silang marunong makaunawa, pero mas nakararami ang bulag, pipi at bingi na kusang pinipili ang hindi paniniwala sa katotohanan.

Mas makagiginhawa sa kanilang pakiramdam kapag tinanggap nila ang katotohanan na puwedeng magmahal ng iba ang kanilang mga idolo.

Mas mababawasan ang kanilang pagiging pasaway kapag tinanggap nila ang totoo na kung ang ngayon ang magiging basehan ay talagang walang namumuong relasyon kina Alden at Maine.

Pero malay naman natin sa mga darating na panahon? Kung talagang nakadisenyo sila para sa isa’t isa ay magbabago ang ikot ng mundo nina Alden at Maine.

Bigla na lang nilang makikita ang kanilang mga sarili na nagmamahalan, ayaw nang mabuhay nang wala ang isa’t isa, ganu’n kung maglaro ang kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending