Horoscope, February 18, 2019 | Bandera

Horoscope, February 18, 2019

Madam Sophia |February 18,2019
facebook
share this

Horoscope, February 18, 2019

Madam Sophia - February 18, 2019 - 12:33 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang magkaroon ng mas maraming pera at mahigop ang masarap na romansa, laging magsasama sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Libra. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa red buenas din ang yellow.

Aries – (Marso 21-April 19) — Magtiwala sa sarili. Isipin mong kaunting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig malaki ang maitutulong ng kasuyong Sagittarius upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 1, 12, 15, 27, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Habang dumadami ang kaibigan mas lalawak ang oportunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kakilala at BFF mas makapamimili ka ng busilak at wagas na pakikipag-relasyon. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Lilac at orange ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Regular kang uminom ng multi-vitamins, damihan din ang inom ng tubig, dagdagan din ang pagkain ng sariwang prutas at gulay at regular ding mag-ehersisyo. Sa ganyang paraan, maiiwasan ang karamdaman at mapapanatili ang malakas na katawan at malusog na pamumuhay. Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Rama.” Red at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang humingi ng tulong sa isang Capricorn. Siya ang lulutas sa problemang pang-pinansyal. Sa pag-ibig sa isang Scorpio mo naman matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 36, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Tumingin ka sa paligid mo: “May pagbabagong bang nangyayari?” Wala! Ang pagbabago kasi ay kailangang magsimula sa puso mo. Sa pag-ibig, kalimutan na ang relasyong hindi ka naman nagiging masaya, sa isang Aries ka liligaya. Mapalad ang 7, 10, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Violet at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Wag puro trabaho. Pahalagahan ang sandali na kasama ang iyong minamahal. Sa ganyang paraan, sa bandang huli ang kasuyo mo ring Taurus ang magpapaunlad at magpapaligaya ng iyong buhay. Mapalad ang 4, 14, 22, 32, 37 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Maging maingat sa anomang sasabihin. Kapag nagpabigla-bigla ka masasaktan mo na naman ang kasuyong Aquarius. Sa pinansyal, sa masinop at maayos na pagsasalita kikita ka ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om.” Magenta at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Kapag pumasok na ang buwan ng Marso ito ang magbibigay ng kakaibang sigla at lakas upang tapusin ang lahat ng gawain. Sa pag-ibig, ka-compatible mo talaga ang isang Cancer, bigyan siya ng sapat na oras upang mas lalo pang uminit ang pagsasama. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tetra-Malka-Om.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag kang maarte! Hindi dapat tanggihan ang mga bagay na inaalok sa iyo ng tadhana, Sa pag-ibig, kung sino ang unang dumating sunggaban agad. Sa pinansyal, wag ng isnabin ang mga oportyuniti na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ng 6, 9, 16, 24, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Red at Purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Gawing inspirasyon ang pamilya upang lalo ka pang umunlad. Sa pag-ibig, ang pagiging tapat sa kasuyong Cancer, ang maghahatid sa iyo sa walang kahulilip na ligaya. Mapalad ang 7, 18, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Gold at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Ang buhay ay tila isang tele-nobela, alalahanin mong ikaw ang bida. Ang mga tiisin sa ngayon ay magbubunga ng ligaya sa araw ng bukas. Sa pinansyal, habang naglalakad makakapulot ng malaking halaga ang bida. Mapalad ang 2, 4, 28, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Homine-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Panatiliin ang ugaling matulungin, sa takdang panahong inilaan ng tadhana, gagantimpalaan ka ng siksik-liglig na mga biyaya, mangyayari pagsapit ng buwan ng Abril hanggang Mayo. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 2, 16, 23, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Purana-Om.” Gray at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending