Jolo balak nang pakasalan ang dyowa pagkatapos ng eleksyon? | Bandera

Jolo balak nang pakasalan ang dyowa pagkatapos ng eleksyon?

Julie Bonifacio |February 17,2019
facebook
share this

Jolo balak nang pakasalan ang dyowa pagkatapos ng eleksyon?

Julie Bonifacio - February 17, 2019 - 12:10 AM


TAMA lang si former Sen. Bong Revilla na hindi magbigay ng comment when we asked him tungkol sa bagong lovelife ng anak niyang si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla.

Hayun at mismong si Jolo na ang naglantad sa relasyon niya sa dating beauty queen na si Angelica Alita sa kanyang social media account.

Ibinahagi ni Jolo ang picture nila ni Angelica sa kanyang Instagram account kung saan kitang-kita ang kanilang sweetness. Sa nasabing IG post ay sinabi ng actor-politician ang kanyang nararamdaman para kay Angelica. Huwag na rin tayong magtaka if after election ay pakasalan na ni Jolo si Angelica.

He’s already 30 years old at maayos naman ang career niya sa politics and showbiz. Malaki na rin ang kanyang firstborn na si Gab na isang matalino at magalang na bata.

But with regards to Angelica, hindi siya masyadong kilala sa showbiz except that she’s a former beauty queen and ex-girlfriend ni Brian Llamanzares na anak ni Sen. Grace Poe and of course, grandson ng movie queen na si Susan Roces at ni Da King Fernando Poe, Jr..

May ilang members ng media naman ang nakakita sa kanya sa ni-launch na brand na relo ni Brian last year. At sa family gatherings ng pamilya ni Brian, we heard present most of the time si Angelica.

But last Christmas, hindi na raw nakitang kasama ni Brian si Angelica sa celebration ng family ni Sen. Grace. Kaya maaaring before December pa naging sila ni Jolo.

What a coincidence naman na ang ex-girlfriend ni Jolo na si Jodi Sta. Maria ay naging asawa ng anak ni Sen. Ping Lacson na si Pampi at ngayon ex ng anak ng isa namang senador ang GF ni Jolo, ‘di ba?

Si Brian naman ay mukhang wala pang bagong girlfriend. Gusto niya sigurong mag-concentrate sa pagtakbo muli ng mom niya sa pagkasenador sa May election. For sure, busy siya sa pagsama sa campaign ni Sen. Grace.

Present si Brian sa ginanap na proclamation rally ng senadora na ginanap sa Zaragosa, Tondo last Wednesday. Bukod kay Brian, nandoon din ang kanyang inang si Susan Roces at mister na si Neil Llamanzares.

Nag-perform din doon si Gloc 9 at pinatawa naman ni Wacky Kiray ang audience. Ang komedyanteng si Giselle Sanchez ang nagsilbing host ng event.

Dumating din ang Kapuso star na si Heart Evangelista na nagpakilala sa kanyang mister na si former Sen. Chiz Escudero na naging runningmate ni Sen. Grace noong 2016 Presidential elections.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman namin namataan sa proklamasyon ng senadora ang bida sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin. Baka may prior commitment na ang aktor kaya hindi na nakarating.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending