Mommy Min sa hiwalayang KathNiel: Kung mahal n’yo sina Kathryn at DJ magtiwala kayo sa kanila

February 17,2019
share this

Mommy Min sa hiwalayang KathNiel: Kung mahal n’yo sina Kathryn at DJ magtiwala kayo sa kanila

February 17,2019
share this

 

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

NANAWAGAN ang nanay ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min sa lahat ng KathNiel fans na huwag maniwala sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa relasyon ng kanyang anak sa boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Ito’y matapos magtanong kay Mommy Min ang isang netizen kung totoong nag-break na sina Kathryn at DJ. May mga nagsabing nagkaroon ng matinding away ang dalawa na naging sanhi nga diumano ng hiwalayan.

“Di nyo po ba nabasa yun isang dyaryo headline po doon na nasasakal na daw po Daniel sa inyo mag ina daw. Sana hindi sa inyo nauunang manggaling yun pakilig pictures ng Kathniel dahil nagmumukha daw pong si Kathryn at pamilya Bernardo ang naghahabol at gustong gusto si Daniel.

“Samantalang si Daniel at pamilya nya lalo sina Karla Estrada ay ayaw na at napipilitan na lang makisama sa inyo gawa ng fans at ilan proyekto kailangang magkasama pa Kathniel,” ang bahagi ng mensahe ng KathNiel fan sa Instagram.

Nagsimula ang chika na naghiwalay na ang magdyowa dahil sa pag-unfollow ni Kathryn sa Instagram account ni Daniel. Nasundan pa ito nang um-attend ang dalaga nang mag-isa sa Film Development Council of the Philippines Ambassador’s Night kamakailan para tanggapin ang award nila for their movie “The Hows Of Us”.

Hirit pa ng netizen, “Doon po sa huling interview ni Kathryn tungkol sa napindot lang nya un ‘block’ ay madaming di naniniwala. At yun di nya pag attend ng awards night pero ang totoo kasama lang daw nya mga kabarkada nya sa Tagaytay. Sana po wag niyo hayaan pala si Kath lang nagsasalita para pagtakpan sina Daniel.”

Narito naman ang diretsong sagot ng nanay ni Kathryn, “Sana lang huwag tayong padala at maniwala sa lahat ng nababasa at nadidinig natin. Diff(erent) opinions and diff beliefs, na pag pinagsama sama nakakasira ng ulo. Kung mahal mo si Kath or DJ, sana lang magtiwala kayo sa kanila.”

Dugtong pa ni Mommy Min, “Hindi namin kailangan na lahat ng bato ay sinasabi ng bawat tao ay sagutin o patulan namin…. Maawa naman kayo sa amin. Sorry, but we need privacy din sa aming personal life, ok!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending