PH 5 lumipad na patungo ng Doha
LUMIPAD na ang Philippine men’s national basketball team Sabado patungo ng Doha, Qatar sa ikaanim at huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.
Ang Team Pilipinas, na pinamumunuan nina Jayson Castro, June Mar Fajardo at Andray Blatche, ay makakasagupa ang Qatar sa isang must-win game ngayong Biyernes.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang may 5-5 kartada subalit kumpiyansa si national team head coach Yeng Guiao na maabot ng kanyang koponan ang hangarin nitong makapasok sa FIBA World Cup na gaganapin sa China.
“We feel very confident that we can make it to the World Cup. Our objective from the beginning is to really try and get to the World Cup,” sabi ni Guiao.
Maliban kina Castro, Fajardo at Blatche, na magsisilbing naturalized player ng koponan, kasama ring tumungo sa Doha sina Gabe Norwood, Scottie Thompson, Roger Pogoy, Marcio Lassiter, Poy Erram, Troy Rosario, Raymond Almazan, Mark Barroca at Thirdy Ravena.
Ang 22-anyos na si Ravena ang natatanging collegiate player na nakasama sa 12-man roster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.