LizQuen 7 beses nag-lips to lips sa bagong pelikula
NAKAKUHA ng Graded A sa Cinema Evaluation Board ang pelikulang “Alone/Together” nina Liza Soberano at Enrique Gil na idinirek ni Antoinette Jadaone mula sa Black Sheep Productions at Project 8 corner San Joaquin Projects, distributed by Star Cinema.
Feeling namin habang pinapanood ng mga miyembro ng CEB ang pelikula ay tumutulo ang luha nila dahil sa dami ng madadramang eksena ng LizQuen.
Sobrang epektibo naman kasi ang mga eksena at dalang-dalang ka sa mga pinagdaanan nina Liza (bilang si Christine/Tin) at Enrique (as Raf) kaya deserving silang mabigyan ng Grade A.
Ayon nga sa Facebook post ni Sylvia Sanchez, “Ang pelikulang di naman ako umiiyak pero kusang tumutulo ang luha ko. Congratulations sa lahat ng bumubuo ng pelikulang to. Ang pelikulang, tagos sa puso!”
Ang running joke nga ngayon ng mga nakapanood na sa pelikula ay, “Napuwing ako,” dahil ito ang linyang sinabi ni Liza nang tanungin siya kung bakit siya umiyak.
Gusto naming magkuwento pa tungkol sa pelikula pero hindi na namin gagawin, mas masarap pa ring panoorin sa sinehan dahil mas mararamdaman n’yo ang kuwento. Showing na ito sa 230 sinehan nationwide.
Base sa post ng manager ni Liza na si Ogie Diaz sa Facebook ay umabot na sa 22 block screenings and still counting ang schedule ng pelikula na inorganisa ng supporters ng LizQuen.
Maraming Star Magic artists at Star Cinema director ang sumuporta sa ginanap na premiere night ng “Alone/Together” bukod pa sa loyal supporters ng LizQuen na talagang sa bawa’t lapat ng labi nina Liza at Enrique ay hiyawan ang maririnig mo.
Umabot nga pala sa pitong beses ang lips to lips nina Liza at Enrique at kitang-kita mong kinikilig sila habang pinanonood ang kanilang mga kissings scenes kaya pala umamin na dahil hindi na nila maitago pa ang kanilang nararamdaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.