Melai: Ipinaglaban ko si Jason sa lahat ng kumokontra | Bandera

Melai: Ipinaglaban ko si Jason sa lahat ng kumokontra

- February 14, 2019 - 12:20 AM


“IPINAGLABAN ko talaga si Jason (Francisco)!” ‘Yan ang inamin ni Melai Cantiveros sa episode kahapon ng Magandang Buhay kahapon nang mapag-usapan ang tungkol sa mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa.

“Actually ipinaglaban ko talaga siya, lalo na ‘yung time namin sa PBB (Double Up, 2009) na marami talaga ang humuhusga,” simulang kuwento ni Melai na siyang itinanghal na big winner noon.

“(Ang tingin nila) ang guwapo ni Jason so hindi papatol sa akin. So ipinaglaban ko rin. Sabi ko, ‘sobrang in love yan sa akin.’ So ipinaglaban ko talaga ‘yung pagmamahalan namin,” dagdag pa ng TV host-comedienne,

Nagpakasal sina Melai at Jason noong Disyembre, 2013. Ngunit noong Hulyo, 2016 ay naghiwalay ang dalawa ngunit ilang buwan lang ang nakalipas ay nagkabalikan din dahil pinatawad nga ni Melai ang asawa.

May dalawang anak na ngayon ang mag-asawa at maayos na maayos pa rin ang kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending