Jane sa mga inaatake ng depresyon: Kailangan lang nila ng kausap | Bandera

Jane sa mga inaatake ng depresyon: Kailangan lang nila ng kausap

Alex Brosas - February 13, 2019 - 12:05 AM


WITHOUT hesitation ay tinanggap ni Jane Oineza ang role ng isang psycho na cybersex performer na nag-set ng suicide date niya sa Project Feb. 24, isang digital series to stream on iWant TV sa Feb. 16.

“Ako noong pinitch pa lang ni direk Jason (Paul Laxamana) sa amin diyan sa coffee shop ay tinanong niya kami kung ready kami dahil mabigat nga, ang daming nire-require for us.

“Ako naman, as an actress ay nagugustuhan ko ang material na mabibigat, kakaiba at hindi ko pa nagagawa. May tiwala naman ako kay direk Jason. May tiwala naman ako sa Dreamscape Digital. Nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng opportunity na gawin itong project na ito,” she said.

Although maselan ang movie because it tackles mental health issues ay hindi nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ito.

“Tinanggap ko siya kahit na alam kong mabigat ‘yung project and ‘yung message niya kasi gusto kong maging part ng project na magiging eye-opener sa mga tao.”

She believes na ‘yung lack of communication ang dahilan kung bakit ang tatlong characters sa series na sina Annie (Jane), Brix (McCoy de Leon) at Cody (JC Santos) ay napariwara.

“Lahat ‘yun doon nagsimula, doon sa lack of communication. ‘Yung lang naman ang kailangan ng mga tao. People who are suffering, kailangan nila ng kausap, kailangan nila ng karamay. Totoo iyon, serious issue ‘yon.”

Grateful siya kay McCoy who proves to be a gentleman sa kanilang delicate scenes.

“First time naming magsama ni McCoy sa isang project. Nagtiwala lang ako sa kanya. Masuwerte din ako na ‘yung nakasama ko sa ganitong project na daring ay gentleman. Inalalayan niya ako sa mga maseselang eksena,” say ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending