Sunshine bumwelta sa bastos na netizen

By Djan Magbanua February 12,2019
share this

Sunshine bumwelta sa bastos na netizen

By Djan Magbanua February 12,2019
share this

TILA  napuno si Sunshine Cruz nang i-post nya ang maseselang mensahe ng isang netizen sa kanya kung saan dinamay pa ang kanyang anak.

Isang nagngangalang Lorence Anthony Diola Guardian ang sinasabing nagmessage sa kanya na may IG handle na @cheflorence_butcherchef.

Hindi pinalagpas ni Sunshine ito at ini-screenshot ang mensahe at pinost niya sa kanyang Instagram account.

“Papatulan ko to. Bastos masyado. Chef pa naman. @cheflorence_butcherchef umayos ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mananahimik kami.” caption nya sa post

 

View this post on Instagram

 

Papatulan ko to. Bastos masyado. Chef pa naman. @cheflorence_butcherchef umayos ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mananahimik kami.

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on Feb 11, 2019 at 10:19pm PST

Dalawang beses na umano ito nag-message.

Sa isa pang post ay ini-screenshot din nya ang profile nito na tila blinock na siya.

“Bakit biglang blocked/user not found na? Lorence Anthony Diola Guardian umayos ka! Nanay mo babae din.” sey naman ni Sunshine.

 

View this post on Instagram

 

Bakit biglang blocked/user not found na? Lorence Anthony Diola Guardian umayos ka! Nanay mo babae din.

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on Feb 11, 2019 at 11:13pm PST

Isang netizen naman ang nagtanong na baka na-hack lang daw ito.

“@mirandaibay Yes. I don’t buy it. 2 times na hack? January and kanina? Tapos he blocked me and posted on fb nya na hacked daw sya. Why not message me directly to explain if he was indeed hacked?” ang sagot naman ni Sunshine.

Dagdag pa nya, may mga babae raw na nagmemessage sa kanya na biktima din raw ng naturang netizen.

May huli namang mensahe si Sunshine para sa sinasabing manyak na netizen:

“Hindi ako madalas pumatol sa mga katulad mo pero may hangganan din ang pasensya ko. Tao lang din ako na nagtratrabaho ng maayos para sa mga anak ko. Ang anak ko na menor de edad huwag na huwag mo bastusin. Kung wala man silang tatay na maaaring magpoprotekta sa kanila, mas matindi ang mga nanay lalo na isang katulad ko na magpo-protekta sa mga anak ko na wala namang ginagawang masama sa kahit na sino. Tandaan mo yan Lorence Anthony Diola Guardian.”

 

View this post on Instagram

 

Hindi ako madalas pumatol sa mga katulad mo pero may hangganan din ang pasensya ko. Tao lang din ako na nagtratrabaho ng maayos para sa mga anak ko. Ang anak ko na menor de edad huwag na huwag mo bastusin. Kung wala man silang tatay na maaaring magpoprotekta sa kanila, mas matindi ang mga nanay lalo na isang katulad ko na magpo-protekta sa mga anak ko na wala namang ginagawang masama sa kahit na sino. Tandaan mo yan Lorence Anthony Diola Guardian.

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on Feb 12, 2019 at 1:30am PST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending