DavOcc niyanig ng magnitude 5.1 lindol

By Leifbilly Begas February 12,2019
share this

DavOcc niyanig ng magnitude 5.1 lindol

By Leifbilly Begas February 12,2019
share this

NIYANIG ng magnitude 5.1 lindol ang Davao Occidental ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:01 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 103 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 93 kilometro.

Naramdaman ang Intensity I sa bayan ng Kiamba at Alabel.

Nagbabala ang Phivolcs ng aftershock sa pagyanig na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending