GMA muling inulit na magpapahinga na siya pagbaba sa Hunyo

By Leifbilly Begas February 12,2019
share this

GMA muling inulit na magpapahinga na siya pagbaba sa Hunyo

By Leifbilly Begas February 12,2019
share this

MULING inulit ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ngayong araw na siya ay titigil na sa pulitika sa pagtatapos ng termino nito sa Hunyo.

“I will write my memoire,” ani Arroyo ng muling matanong ng media kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kanyang ikatlong at huling termino bilang kongresista.

Ngayong araw ay dumalo si Arroyo sa kick off rally ng Hugpong Ng Pagbabago sa Pampanga.

Sinabi ni Arroyo na ‘all out’ ang kanyang suporta sa mga kandidato ng HKP na inendorso ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Pero hindi umano nangangahulugan na siya ay sasama sa pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“As needed only not necessarily. I think they’re doing very well,” dagdag pa ng lider ng Kamara de Representantes.

Nagpasalamat din si Arroyo sa pagpili sa Pampanga bilang lugar ng pagsisimula ng kampanya ng HNP.

“Oh we’re very honored we think it’s a recognition of the fact in the last elections the biggest majority of (votes) of mayor Duterte outside his bailiwick was in Pampanga. We hope we can duplicate that,” saad ni Arroyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending