AlDub fans galit na galit sa ‘pang-aasar’ ni Arjo Atayde

By Alex Brosas February 12,2019
share this

AlDub fans galit na galit sa ‘pang-aasar’ ni Arjo Atayde

By Alex Brosas February 12,2019
share this

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

Basag na basag ang AlDub fans sa lumabas na story na natuloy na ang date nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa US.

Asar-talo ang AlDub fans and they yakked against an online portal for reportedly spreading fake news.

Ang claim kasi nila, walang picture na magkasama sina Maine at Arjo sa photos na ipinost ng huli sa kanyang Instagram account.

“Fake News. Paninira lang ang kayang gawin. Wala ng maniniwala sa inyo.”

“Paano mag date sa America c Maine nasa New York, ang show ng Dos ay sa Virgina USA. Bulahin ninyo sarili ninyo.”

“Sos! Edited lang yang mga pics, galing yan kay Margie So sinisend nya kay Arjo. Si Arjo naman pinopost. HAHAHA!!!”

“Maniniwala ako kung magkasama sila sa table eh wala man cya. Hay grabe kau mag gawa ng kwento.”

May nag-defend naman kina Maine at Arjo as one fan said, “Kung ginagamit lang nung Arjo si Maine, papayag na lang ba si Maine? Magpopost ng photos niya kung di naman totoo?! Gising na aldub fans walang Maine and Alden sa totoong buhay.”

Matindi naman ang resbak ng isang guy sa AlDub fans when he said, “Basta aldub fans may tama mga utak nyan. Bukod sa mga tambay palamunin pa ng magulang. Mambash lang ang alam. Pero kapag demandahan mga nagtatago at tiklop naman. Dito lang matapang. Mga utak sabaw nmn.”

“Napakaswerte ng lalaking makakatuluyan ni Maine. Maganda, mabait, masipag, edukada, matalino, mayaman, with sense of humor! Wala ka ng hahanapin pa! I knw she’s not perfect, but she’s almost close to perfection.

“Sana ay makatagpo ka ng lalaking pure ang pagmamahal sa ‘yo. Yung hndi dahil sa kng anung meron ka ngayon, kundi minahal ka bilang ikaw. Praying for your genuine happiness. @mainedcm,” said another fan of Maine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending