Maine binanatan ng fans ni Alden, pinamukha ang utang na loob sa AlDub

By Alex Brosas February 11,2019
share this

Maine binanatan ng fans ni Alden, pinamukha ang utang na loob sa AlDub

By Alex Brosas February 11,2019
share this


MUKHANG matutuloy na ang guesting ni Alden Something sa sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Kaya this early ay batikos na katakot-takot na ang inaabot ni Maine mula sa attack dogs ni Alden.
Sa Twitter ay nagpakita ng support ang fans ni Maine.

“Siguro dahil lumabas na ring maggi-guest si A sa DG kaya gumawa agad ang pangkat nya ng ganitong ingay na ‘kung wala si Alden ay walang mararating si yaya’. Kailangan ba talaga ni Maine ang sitwasyong ito gayong pumalo naman ang tambalan nya kay Ruru Madrid ng walang intriga?”

“Hindi pa kumpirmado ni @DirekChrisM na matutuloy ito pero kung sakali, anong mai-dadagdag ni Alden sa DG na di kayang ibigay ni Ruru o ni Barbie Forteza? Kay Coco Martin, Ruru, at Barbie, walang ganitong atake sa pamilya ni Meng. Puro saya lang. Puro good vibes.”

“Tamo ba ito? Uulitin ko, walang ganitong salimuot sa buhay at trabaho ni Maine nung nakasama nya si Coco, Ruru, at Barbie sa trabaho. Puro saya lang. Pag si Alden tsismis pa lang, umaatake na sila na si A ang nagpasikat kay Meng at kung anu-ano pa.”

q q q

Ginalugad ni Monsour del Rosario ang ilang parts ng Makati recently.

He and his team went to the grassroots level and gave early Valentine’s treat to the residents.

Pinagkaguluhan si Monsour sa kanyang kalye tour. Talagang mainit ang pagtanggap sa kanya ng taumbayan. Makikitang yumayakap sa kanya ang mga babae at ang mga tricycle driver naman ay nag-pose na kasama siya.

We saw some photos where women hugged him like they would a Barbie doll. Talagang mahigpit ang kanilang pagyakap sa taekwondo champion-turned actor-turned politician na tumatakbong vice mayor sa Makati.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending