‘Crying video’ ni Pokwang viral na; may patama sa mga ‘magnanakaw’ sa socmed

February 11,2019
share this

‘Crying video’ ni Pokwang viral na; may patama sa mga ‘magnanakaw’ sa socmed

February 11,2019
share this


MARAMING naloka sa bagong paandar ng komedyanang si Pokwang. Talaga namang gumawa ng ingay sa social media ang kanyang “crying video” sa Instagram.

Nag-post si Pokey ng video kung saan makikita ang kanyang pag-iyak habang i-binabahagi sa kanyang follo-wers kung gaano niya kamahal ang pamilya at handa siyang gawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay.

Aniya sa unang bahagi ng video kung saan tulo na nang tulo ang kanyang luha, “Wala po akong ginawang masama. Nagmahal lang po ako. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Lahat po titiisin ko para sa pamilya ko.”

Sa sumunod na eksena, ipinaliwanag niya kung bakit siya naiiyak, “Lahat gagawin ko. Magluto at maghiwa ng sibuyas. Ang sakit.”

Mas lalong nakakabaliw ang caption ni Pokwang sa kanyang IG video na nakakuha na ng humigit kumulang na 500,000 views at libu-libo pang comments and likes.

“O ayan tapos may mag ne nenok na naman nito sa youtube tapos kung ano anong clicbait na naman na caption ang ilalagay nyo? Hahahahhaa tapos yung mga naka data lang maka comment hahahahhaa!” ang mensahe pa ni Pokwang na ang tinutukoy ay ang mga netizens na mahilig magnakaw ng mga video sa YouTube at ipakakalat sa social media kahit fake news.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending