Kuya Escort may tampo kay Vice: 2 araw kang wala tapos galit ka pa!?

By Ervin Santiago February 11,2019
share this

Kuya Escort may tampo kay Vice: 2 araw kang wala tapos galit ka pa!?

By Ervin Santiago February 11,2019
share this

SPEAKING of love, mukhang may bahid na nga ng katotohanan ang sinasabing espesyal na relasyon ni Vice Ganda kay Kuya Escort na si Ion Perez, ha!

Feeling ng madlang pipol, na-develop na sa isa’t isa ang dalawa dahil sa araw-araw na panunukso sa kanila sa Showtime. Kahit nga ang co-host ng programa na si Jhong Hilario ay naniniwalang tunay na ang “kilig” sa pagitan nina Vice at Ion.

Simula kasi nang maging third wheel si Ion sa “ViceJack” (Ate Girl Jackque) tandem ng programa ay ramdam na ramdam ng madlang pipol na kilig ni Vice, lalo na kapag nilalandi siya ni Ion na parang tunay na boyfriend.

Sa nakaraang episode ng Miss Q&A segment, tinanong ni Vice si Ion kung paano niya ipakikita ang suporta sa kanyang upcoming 3-night concert sa Araneta Coliseum with Regine Velasquez.

Sagot ni Kuya Escort, hindi raw siya magiging part ng audience dahil nasa backstage siya para bigyan ng moral support si Vice sa bawat production number na gagawin nito.

Dito na humirit si Jhong na kitang-kita niya na kinilig si Vice sa sinabi ni Ion. Pero todo deny naman ang TV host-comedian. Pinagalitan din niya si Ion dahil nakitawa rin ito kay Jhong at sa studio audience.

Ang hirit na sagot naman ni Ion na ikinabigla ni Vice, “Dalawang araw ka nang wala, tapos ganyan ka, galit ka.” Singit naman ni Jhong, “Sinisumbatan ka!” Dagdag pa ni Jhong, parang totohanan na raw ang tampuhan ng dalawa.

Kitang-kita naman sa reaksyon ni Vice na talagang ikinagulat niya ang reaksyon ni Ion, sabay sabing, “Wow! Parang show mo na ‘to, ha!”

In fairness, maraming nagsasabi na baka raw na-develop na si Vice kay Ion dahil sa araw-araw nilang paglalandian sa Showtime. Hindi rin naman daw imposible na pumatol si Ion sa TV host lalo na kung na-fall na rin siya sa kagandahan at kaseksihan ni Vice, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending