Onanay marami pang pasabog; Jo Berry, Cherie magkakasubukan

February 11,2019
share this

Onanay marami pang pasabog; Jo Berry, Cherie magkakasubukan

February 11,2019
share this

JO BERRY AT CHERIE GIL

WAG na wag na kayong bibitiw sa mas tumitindi pang mga ganap sa GMA primetime series na Onanay na patuloy pa ring humahataw sa ratings game at tume-trending sa social media.

Sunud-sunod na ang pagsabog ng mga sikreto ni Helena (Cherie Gil) lalo na ngayong may duda na si Maila (Mikee Quintos) na siya ang nasa likod ng pagkidnap at pagpapalibing ng buhay kay Onay (Jo Berry).

Gagawin ni Maila at ng kapatid na si Natalie (Kate Valdez) ang lahat para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang ina matapos nga itong ma-comatose dahil sa kasamaan ni Helena. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring kamalay-malay si Natalie na ang kinikilalang ina ang nagpakidnap sa kanila ni Onay.

Samantala, nalaman na rin ni Natalie kung gaano siya kamahal ni Onay dahil sa pagsasakripisyong ginawa nito para sa kaniyang kaligtasan.

Kaya naman pipiliin na ni Natalie na maging ina si Onay kesa kay Helena. Ang tanong, matatanggap na kaya ni Helena na malapit nang mawala sa kanyang bahay si Natalie? Tanggapin na kaya niya ang katotohanan na natalo na siya ni Onay sa laban?

At paano tatanggapin ni Natalie kapag nalaman niyang si Helena ang rason kung bakit muntik nang mamatay si O-nay.

Magkaroon nga kaya ng mas matindi pang komprontasyon sina Onay at Helena kapag nagkaalaman na?

Yan ang inyong tutukan sa nalalapit na pagwawakas ng Onanay sa GMA Telebabad pagkatapos ng Cain At Abel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending