Jasmine pumayag maging nanay ni Bianca sa ‘Sahaya’ ng GMA

February 11,2019
share this

Jasmine pumayag maging nanay ni Bianca sa ‘Sahaya’ ng GMA

February 11,2019
share this

HINDI biro ang ginagawang paghahanda ng cast ng upco-ming Kapuso primetime series na Sahaya para sa kani-kanilang role sa serye.

Bukod kasi sa free diving lessons at pag-aaral ng iba’t ibang kultura at tradisyon ng mga Badjaw, nagkaroon din sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Jasmine Curtis ng dance workshop para mas magampanan nang tama ang kanilang mga karakter.

“It looks easy but it is really not. We don’t treat it as a dance, it is actually a prayer,” ayon kay Bianca.

Excited na rin si Jasmine sa kanyang bagong proyekto sa GMA kung saan gaganap siya bilang nanay ni Sahaya, “I’m definitely excited kasi you really have to be specific sa mga information or facts na ibibigay natin sa story and kung paano ko rin siya ipo-portray,” saad ni Jasmine.

In fairness, pumayag si Jasmine sa mother role sa Sahaya dahil aniya na-challenge siya nang bonggang-bongga sa nasabing karakter. At sabi pa ng dalaga, it is something na bago sa kanya kaya she will give it a try.

Abangan ang pagsisimula ng Sahaya na magbibigay-pugay sa mga kababayan nating Badjaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending