Libreng bakuna sa mas maraming sakit inaprubahan
INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na palawigin ang listahan ng vaccine-preventable diseases na saklaw ng mandatory basic immunization para sa mga sanggol at bata.
Inaamyendahan ng panukala ang Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 upang mas dumami pa ang mga bakuna laban sa sakit na ibinibigay ng libre sa mga health center.
Sa kasalukuyan ang libreng bakuna ay para sa mga sakit na tuberculosis, Diphtheria, Tetanus at Pertussis; Poliomyelitis, Tigdas, Mumps, Rubella o German Measles; Hepatitis-B, at H. Influenza Type-B.
Sa ilalim ng panukala, isasama na ang Rotavirus, Japanese Encephalitis, Pneumococcal Conjugate Vaccine, Human Papilloma Virus at iba pang sakit na tutukuyin ng kalihim ng Department of Health batay sa rekomendasyon ng Formulary Executive Council and the National Immunization Committee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.