Marco na-shock sa ginawa ni Diego: He has a strong character, wala siyang bahid ng depression | Bandera

Marco na-shock sa ginawa ni Diego: He has a strong character, wala siyang bahid ng depression

Dominic Rea - February 10, 2019 - 03:54 PM
FRESH na fresh si Marco Gumabao nang dumating sa media conference ng kanyang kauna-unahang digital movie na “Apple Of My Eye” mula sa Dreamscape Digital. Mula ito sa panulat ni Bela Padilla at sa direksiyon ni James Robin Mayo. Makakatambal dito ni Marco ang dating Kapuso star na si Krystal Reyes. Ibang-iba na ang aura ngayon ni Marco who’s also playing a stupid character sa teleseryeng Los Bastardos sa Kapamilya Network. “Blessed to have all these projects. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta sa kakayahan ko bilang isang aktor. “Actually last year lang talaga sobrang naging maayos ang career ko and super thankful ako. And this one, sobrang saya ko nu’ng mapili ako for the role,” says Marco nang makausap namin sa presscon ng “Apple Of My Eye”. Ayon sa hunk actor, ibang putahe naman ang ihahain niya sa kanyang fans dito sa digital movie nila ni Krystal na first time niyang makakatrabaho. He has nothing but praises for his leading lady kaya sana raw ay tangkilikin ng mga manonood. Samantala, sa unang pagkakataon ay nagsalita si Marco tungkol sa nangyari sa kanyang kaibigan at kasamahan din nila dati sa Los Bastardos na si Diego Loyzago. Nawala sa nasabing TV series ang aktor matapos umanong magtangkang magpakamatay. Bilang kaibigan ni Diego ay ano ang kanyang naramdaman? “We’re here for him. I know that he’s going through a tough time now and si Diego, kabarkada ko yan dati pa. “Sabay kaming nag-start, sabay nag-workshop, nag-o-audition for shows, parang kapatid ko na rin siya, parang kapatid na rin namin siya nina Daniel (Padila), close talaga namin si Diego,” aniya pa. “Honestly, siyempre, nagulat talaga kami. Ako personally, I didn’t expect that to happen kay Diego. He has that strong character, eh. Hindi ko nakita sa kanyang may bahid pala siya ng depression. Kaya nu’ng malaman ko yung ginawa niya, sobrang gulat na gulat ako. “It was 2 a.m. nu’ng nalaman ko. Lahat kami na magkakaibigan, gulat kami. Nag-panic kami. As friends, nandito lang kami for him and soon, praying that everything will be okey para sa kanya,” ang message pa ni Marco para kay Diego.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending