AlDub fans ayaw sumuko sa laban, tuloy ang dasal para kina Alden at Maine | Bandera

AlDub fans ayaw sumuko sa laban, tuloy ang dasal para kina Alden at Maine

Jun Nardo - February 10, 2019 - 12:05 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAGPAANDAR muli si Maine Mendoza sa latest foto niya sa Instagram kahapon.

Tinakpan naman niya ang kanyang buhok ng tila beret at saka nilagyan ng caption na, “Bunot fashion.”
Sa ilang minutong post ni Meng, umabot agad ito ng mahigit 15,000 likes sa pangunguna ni Lovi Poe habang si Kakai Bautista naman ay gandang-ganda sa litrato ng Dudsmash Queen.

Para sa fans, ang ganda ng Phenomenal Star ay hindi nakakasawang tingnan, huh! Kumbaga, kahit anong isuot, may make up o wala ay panalung-panalo pa rin si Maine sa kanila.

Kahit nasa New York City ngayon si Maine, alive na alive pa rin sa Twitter party ang fans niya at ang AlDub Nation. Take note, apat na hashtags ang umaariba kahapon sa Twitter – ang #MaineMenddoza, #DADDYSGURLMyFunnyValentine at #ADN HANASHProof at #MACMAKERMaineAtNYFW. Lahat ‘yan ay nag-trending.

Kumalat din sa Twitter ang isang video habang naglalagay ng lipstick si Meng at ayon sa fans niya, waiting na sila sa final decision ng idolo nila sa next MACMaker lipstick shade.
Sa pahayag ng dalaga ‘yung pangalawang shade ng lipstick ang gusto niya. Pero top secret pa raw ‘yon!

Samantala, may mga AlDub fans pa rin na patuloy ang pagpe-pray na sana’y dinggin na ng GMA at ng talent management ni Maine ang hiling nila na bigyan na uli ng project sina Maine at Alden Richards kahit na mini series o sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending