'Hows Of Us' ng KathNiel kumita ng P900M, pararangalan sa FDCP night | Bandera

‘Hows Of Us’ ng KathNiel kumita ng P900M, pararangalan sa FDCP night

- February 09, 2019 - 12:05 AM

HINDI tututol si Karla Estrada sakaling magdesisyon na ngang magpakasal sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Okay lang, wala naman akong tutol, right age na sila, pero ‘yun nga ang sinasabi ko right maturity na ba? Nasa tamang desisyon dapat dumating lahat ‘yan, hindi naman parang hiniram mo lang tapos pwede mo isoli after,” ani Karla sa panayam ng ABS-CBN.

Naniniwala rin ang TV host-actress na hihingi muna ng payo sa kanya ang anak bago magdesisyong lumagay sa tahimik, “Lagi naman e, kasi alam naman niya ‘yun na hangga’t buhay ako hihingi pa rin siya ng advise sa akin.”

“Wala kasi sa right age, nasa right maturity, ‘di ba? Ang mga lalaki alam naman natin na matagal sila mag-mature so well lahat naman, minsan mayroon tayo, pumapalpak pa rin tayo (sa mga desisyon sa buhay) and yes hangga’t nandiyan ang parent natin dapat matuto tayo humingi ng advice,” pahayag pa ni Karla.

Samantala, gagawaran naman sa 3rd FDCP Film Ambassadors Night ng Camera Obscura Camera Obscura Artistic Excellence Award ang pelikulang “The Hows Of Us” nina Kathryn at Daniel. Bukas ng gabi ito gaganapin sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig.

Ang nasabing KathNiel movie under Star Cinema na idinirek ni Cathy Garcia Molina ang itinuturing ngayong highest-grossing Filipino film matapos kumita ng mahigit P900 million sa takilya.

Ang Camera Obscura Artistic Excellence Award ay ang highest award na ibinibigay ng Film Development Council of the Philippines sa mga pelikula, filmmakers at artists na nagsisilbing inspirasyon sa Philippine movie industry dahil sa ibinibigay nilang karangalan at tagumpay sa mundo ng pelikula.

Bukod sa “The Hows Of Us” kasama rin sa pararangalan si Bianca Balbuena na nagwaging Producer of the Year sa Asian Film Commissions Network last October sa Busan, South Korea. Si Bianca ang producer ng “Hele sa Hiwagang Hapis”.

Ang isa pang Camera Obscura awardee ay si Kidlat Tahimik na kinilala nang National Artist for Film at binigyan ng Prince Claus Award sa Amsterdam, Netherlands.

“FDCP is so honored to award the Camera Obscura to Tay Kidlat, Bianca, and ‘The Hows Of Us’ because in addition to making 2018 such a great year for Philippine Cinema, they truly represent the best of the many sectors that make up our industry. They are such an inspiration,” ang pahayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Dino.

Bukod dito, kikilalanin din ng FDCP ang 86 na honorees sa 3rd FDCP Film Ambassadors Night na bumandera sa iba’t ibang international film festivals noong 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending