Praning na male celeb walang ginawa kundi magwala, pati si Lord inaaway na | Bandera

Praning na male celeb walang ginawa kundi magwala, pati si Lord inaaway na

Cristy Fermin |February 09,2019
facebook
share this

Praning na male celeb walang ginawa kundi magwala, pati si Lord inaaway na

Cristy Fermin - February 09, 2019 - 12:15 AM

HINDI na malaman ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa isang male personality na naligaw ng landas kung ano ang suportang ibibigay sa kanya.

Maraming handang tumulong sa aktor pero siya mismo ang mahirap ispilengin.

Naglaan na ng panahon at pera sa kanya ang ilang personalidad para dumiretso ang takbo ng kanyang buhay pero siya mismo ang klaseng ibinabangon na nga ay parang utang na loob pa sa kanya ng mga taong ‘yun ang tumino ang kanyang kinabukasan.

Kuwento ng aming source, “Tama ang sinabi ng isang source nu’n na hindi na siya basta naligaw lang ng landas, may kailangan na siyang kausaping mga doktor na titingin sa kanya nang malaliman.

“Imagine, seryoso ang mga tao para tumulong sa kanya, pero siya naman ang may ayaw makipagtulungan, tama bang inaabala na nga niya ang mga taong may mabuting puso, e, parang ang mga tumutulong pa sa kanya ang may dapat tanawing utang na loob sa kanya?

“Masyado na siyang pasaway, wala na siyang sinusunod, konting pagkontra lang na marinig niya, e, para na siyang asong ulol sa sobrang galit!” napapailing na kuwento ng aming source.

Wala na nga yatang pangarap sa buhay ang male personality na ito, sayang na sayang siya, dahil magaling pa naman siyang umarte.

“Aanhin niya naman ang talentong meron siya kung ganyan namang nagpapakasira siya? Ibang klase siya, galit na galit na siya sa mundo, inaaway niya na pati ang sarili niya!

“Mura siya nang mura, sigaw siya nang sigaw at hinahamon niya pati ang Diyos. Ano na ba ang nangyayari sa taong ito na pinanawan na yata ng takot sa lumikha sa kanya?

“Nakapanghihinayang lang ang mga panahong pinalalampas niya, maraming pinalalampas na opportunity ang taong ito! Akala yata niya, e babalik pa uli ang pagkakataong pinararaan niya kapag patuloy siyang naging ganyan?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi n’yo na kailangan pang gumamit ng magnifying glass para mahulaan n’yo kung sino ang pasaway na taong ito!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending