3 patay, 6 sugatan sa pamamaril sa Rizal | Bandera

3 patay, 6 sugatan sa pamamaril sa Rizal

|February 08,2019
facebook
share this

3 patay, 6 sugatan sa pamamaril sa Rizal

- February 08, 2019 - 12:17 PM

TATLO ang patay, samantalang anim na iba pa ang nasugatan, kabilang ang dalawang pulis matapos ang pamamaril sa Teresa, Rizal Huwebes ng gabi.

Sa ulat mula sa Rizal Provincial Police Office, sinabi nito na nasa harap ng kanyang bahay ang biktimang si Ruben Francisco nang bigla na lamang siyang barilin ng isang John Albert Araojo.

Sumunod na binaril ni Araojo si Wildredo Lukban na nasa bisinidad at isang Celso Bernales Jr., isang tricycle driver na naghihintay ng pasahero nang mangyari ang insidente, ayon sa pulisya.

Dead on the spot ang tatlong biktima, ayon kay Senior Insp. Marinell Fronda, chief ng Teresa Municipal Police Station. 

Rumesponde sina Police Officer 3 Emillano Pantaleon at  Police Officer 1 Eleuterio Mina ngunit pinaputukan din ng suspek.

Apat pang iba pa ang nasugatan sa pamamaril, ayon sa pulisya. 

Idinagdag ng pulisya na gumanti ng putok ang mga pulis bagamat nagawang makatakas patungong munisipalidad ng 

Morong sakay ng kanyang motorsiklo.

Nagsasagawa na ng manhunt lanan sa suspek.

Dinala ang mga biktima sa Saint Therese Hospital para magamot.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending