5-anyos na paslit patay matapos masagasaan sa Caloocan | Bandera

5-anyos na paslit patay matapos masagasaan sa Caloocan

|February 08,2019
facebook
share this

5-anyos na paslit patay matapos masagasaan sa Caloocan

- February 08, 2019 - 11:20 AM

PATAY ang limang-anyos na batang babae matapos masagasaan ng isang van sa Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Sinabi ng Caloocan City police, na naglalaro ang biktima sa Tanigue st., sa Samatad Compound nang imaneobra ng isang Cesar Garana, 58, ang Isuzu closed van para iparada sa loob ng kanyang bahay ganap na alas-8 ng gabi.

Idinagdag ng pulisya na tinamaan ang biktima ng kaliwang bahagi ng sasakyan, dahilan para bumagsak ang bata sa semento. Nagulungan pa ng hulihang kaliwang gulong ng van ang ulo ng bata.

Dinala ang biktima sa Caloocan City Medical Center ngunit binawian ito ng buhay makalipas ang ilang minuto.

Nahaharap si Garana sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending