Asec nang-agaw ng opisina, mga katrabaho imbyerna | Bandera

Asec nang-agaw ng opisina, mga katrabaho imbyerna

Den Macaranas - February 08, 2019 - 12:10 AM

IMBYERNA ang ilang tauhan ng isang tanggapan ng pamahalaan dahil sa pagiging primadonna ng isang Assistant secretary.

Maayos kasing nagtatrabaho sa kanilang opisina ang mga staff ng isang kagawaran nang sila ay makatanggap ng memo mula sa kanilang mga bossing.

Kailangan daw nilang mag-ayos ng kanilang mga gamit dahil isasailalim sa renovation ang kanilang opisina.

Wala naman daw sira ang kanilang office pero bakit kailangang i-renovate?

Sa memo nila nakita ang dahilan na gusto pala ni Asec na siya ang umukopa sa nasabing opisina dahil malaki ang espasyo nito.

Nakabalik na kasi sa kanyang pwesto ang nasabing baklitang opisyal na pansamantalang itinapon sa isang tanggapan ng gobyerno sa Visayas Avenue dahil sa palpak na “communication” na kanyang inilabas kamakailan.

Dahil malakas si Asec sa kung kaninuman sa Malacañang ay nagawa niyang makabalik sa pwesto at nang-aagaw pa ngayon ng opisina.

Ang request daw kasi nya ay dapat malaki ang kanyang office dahil mas makakapag-isip daw siya kapag maganda ang kanyang environment.

Yung mga nawalan naman ng opisina ay nagsisiksikan ngayon sa isang masikip na silid sa Malacañang.

Imbes na mang-agaw ng opisina, mas dapat u-nahin ng grupo ni Asec na maipaliwanag ng husto sa publiko ang mga isyu na nagreresulta sa pagkakahati-hati ng mga Pinoy.

Ang opisyal na gustong kurutin ang kanyang mga kasamahan dahil sa pang-aagaw ng opisina ay si Asec. R…as in Romantica

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending