Educational loan iniawas sa death benefit
DEAR Maam,
Good evening po. Ako po ay may katanu-ngan regarding po sa educational loan ng SSS. Ako po ay beneficiary ng educational loan ng SSS at masasabi ko po napakalaking tulong nito ngunit ako po ay naguguluhan pagdating sa bagbabayad. Ako po ay katatapos palang pero sinisingil na po ako agad ng SSS na taliwas naman po sa terms and condition nila. Ngayon po ako ay na momroblema kasi namatay po iyong tatay ko na siyang aking guarantor. Ngayon po iyong dapat na makukuha namin sa SSS ay napunta na po sa bayad sa salary loan gayun wala naman po salary loan na kinuha ang papa ko kundi iyong educational loan lang. Naghuhulog din naman po ako sa SSS sa ngayon pero bakit sobrang laki po ng naging tubo?
Rafael Catain
REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni G. Rafael Catain patungkol sa Educational Assistance Loan Program (EALP).
Hindi nabanggit ni G. Catain ang buong pa-ngalan at SS number ng kanyang ama kung kaya’t hindi namin maberipika kung ang ikinaltas sa kanyang death benefit ay salary loan o EALP.
Sa EALP, ang termino ng pagbabayad ay hanggang limang (5) taon para sa mga degree course, at tatlong (3) taon naman para sa kumuha ng vocational o technical courses. Matapos ang huling pagbibigay ng pautang ay susumahin ang lahat ng nautang sa ilalim ng EALP.
Sisimulan ang pagbabayad matapos ang 18 buwan mula sa huling petsa ng pagbigay ng pautang para sa semestral na kurso samantala, 15 buwan naman para sa trimestral na kurso, at 14 buwan at 15 araw para sa quarter programs. Ito ay mayroong 6 percent na interes kada taon at 1 percent penalty kada buwan kung hindi ito mababayaran.
Samantala, anumang natitirang utang sa ilalim ng EALP ay ikakaltas sa final claim ng miyembro gaya ng retirement at death benefits.
Sa kaso ng tatay ni G. Catain, hindi namin matiyak kung EALP ang ikinaltas sa death claim ng kanyang ama dahil hindi namin maberipika sa aming rekord.
Iminumungkahi namin sa kanya na makipag-ugnayan siya sa pinakamalapit na sangay ng SSS upang maipaliwanag sa kanya kung anong uri ng utang ang ibinawas sa death claim ng kanyang tatay.
Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang katanungan niya.Salamat po.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL. FRANCISCO
OIC-Department Head
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.