Maine pasyal-pasyal muna sa New York bago sumabak sa work
KUMAWALA muna sa mundo ng showbiz si Maine Mendoza. Nasa New York City siya ngayon para sa gagawing projects for the global cosmetics brand na MAC.
Habang hindi pa loaded ang activities, pumasyal muna si Meng sa ilang lugar sa New York. Nagpa-picture siya sa harap ng The Metropolitan Museum of Art sa NYC na inilabas niya sa kanyang Instagram account.
Isang lipstick shade ang unang produkto na inilabas ng Phenomenal Star for MAC last year. Siya ang unang Pinay na nagkaroon ng collaboration sa nasabing sosyal na foreign brand.
Wala mang detalye sa bagong project na ito ni Meng, mag-iipon na raw ang kanyang fans kung sakaling may konek pa rin sa cosmetic ang kanyang gagawin this year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.