Jean, Valerie, Gelli may pasabog sa finale episode ng Ika-5 Utos | Bandera

Jean, Valerie, Gelli may pasabog sa finale episode ng Ika-5 Utos

Ervin Santiago |February 08,2019
facebook
share this

Jean, Valerie, Gelli may pasabog sa finale episode ng Ika-5 Utos

Ervin Santiago - February 08, 2019 - 12:20 AM

GELLI DE BELEN, VALERIE CONCEPCION AT JEAN GARCIA

Ngayong hapon na mapapanood ang pinakaaabangang finale episode ng pinag-uusapan at laging trending Kapuso afternoon series na Ika-5 Utos.

Tutukan kung ano ang magiging katapusan ng kasamaan at paghihiganti ni Clarisse (Valeri Concepcion) sa kanyang mga dating kaibigan na sina Kelly (Gelli de Belen) at Eloisa (Jean Garcia).

Hindi titigil si Clarisse hangga’t hindi niya napapatay ang mga dating BFF at ng mga mahal nila sa buhay, kailangang maipaghiganti niya ang pagkamatay ng kanyang anak.

Nakidnap na uli ni Clarisse ang ang anak ni Eloisa na si Baby Thirdy mula kay Kelly matapos siyang papiliin sa pagitan ng sanggol at ng anak niyang si Carlo (Jake Vargas).

Ngayong nagtagumpay na uli si Clarisse na makuha ang anak nina Eloisa at Emil (Tonton Gutierrez) siguradong may bago na namang masamang plano si Clarisse na unti-unti nang nababaliw dahil sa galit sa mga dating kaibigan.

Sa mga eksenang napanood namin nitong nakaraang araw, mukhang sa sementeryo ang huling pagtutuos ng tatlong bida ng Ika-5 Utos. Sa isang sementeryo kasi dinala ni Clarisse ang anak ni Eloisa at mukhang balak niyang ilibing ito nang buhay.

Ano ang kayang isakripisyo nina Eloisa, Emil at Kelly para sa kaligtasan ni Baby Thirdy? Ano ang hihilinging kapalit ni Clarisse sa kanyang mga kaaway kapalit ng buhay ng sanggol? ‘Yan ang dapat abangan sa huling pasabog ng Ika-5 Utos ngayong hapon sa GMA Afternoon Prime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending