Kyline, Therese handa na sa sampalan at okrayan
WALANG kumpetisyon at inggitan sa pagitan nina Therese Malvar at Kyline Alcantara, na nakatakda na ngang magpatalbugan sa upcoming afternoon series na Inagaw na Bituin.
Bago pa magsimulang umere next week ang kanilang serye ay alam na nilang pagkukumparahin at pag-aawayin sila ng mga netizes at manonood.
“Pinag-usapan na namin ‘yun, pati ‘yung mga sampalan, baka raw magkatotoo in the end. Sabi ko naman po, ‘We love what we do, so I think walang mamamagitan sa atin na masama. ‘Cause if we’re both genuine with our love and sincerity with this project, walang hiritan, walang competition na unhealthy,'” pahayag ni Therese sa nakaraang presscon ng Inagaw Na Bituin.
Kuwento ito nina Anna (Kyline) at Ariela (Therese) na magiging mahigpit na magkalaban sa larangan ng pagkanta. Ngunit sa pagkukrus ng kanilang landas, isa-isang sasambulat ang misteryo sa kanilang pagkatao.
Ayon kay Therese, matagal na silang magkakilala ni Kyline, “Magkakilala po kami noong audition ko pa lang sa industry. ‘Ang Huling Cha-cha ni Anita’ pa lang magkakilala na po kami. And then nagka-work po kami sa ‘Hamog.’ And then now, magkakaeksena na po kami for the first time.
“We’re still in the process of getting to know each other. Nagkasama kami dati pero hindi pa po kami nag-bonding masyado because nga iba ‘yung story namin sa Hamog. So right now we’re still in the getting to know stage, but we’re comfortable with each other,” sey pa ni Therese.
Handa na rin daw sa sampalan at sabunutan sina Therese at Kyline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.