Inigo Pascual nagluluksa sa pagpanaw ng avid fan na may leukemia
NAGLULUKSA ngayon ang Kapamilya star na si Inigo Pascual dahil sa pagpanaw ng kanyang 15-year-old fan sanhi ng leukemia nitong Miyerkules.
Naging close ang binata kay Arnie Espina nang magkakilala sa isang webisode ng “One Music’s Wander Jam” noong September, 2018. Nag-viral pa nga ang isang video kung saan kinantahan ni Inigo si Arnie ng favorite niyang “Dahil Sa ‘Yo”.
“If I could only feel your hug one more time… if I could only hear you laugh again.. I can’t believe this is happening.
“I will carry you in my heart forever, with every performance and every song I write… kahit na konting panahon lang kitang nakilala sobrang laki ng epekto mo sa ‘kin at hinding hindi ko makakalimutan yun. Mahal na mahal kita Arnie. Sorry kung ‘di ako umabot. Sorry kung hindi kita natawagan man lang… Mami-miss ka namin ng Loveties ng sobra sobra.
“Lord, maraming salamat at binigyan niyo kami ng pagkakataon na makilala at makasama si Arnie… Till we meet again… I love you, Arnie,” ang mahabang mensahe ni Inigo para sa kanyang loyal fan.
Bago namaalam si Arnie ay nagkaroon pa ng benefit concert para sa kanya si Inigo kasama ang tatay nitong si Piolo Pascual at iba pang celebrities na nag-perform lahat ng libre.
Sa isang panayam, sinabi ni Inigo na mula nang makikilala niya si Arnie ay parang mas nagkaroon ng purpose ang kanyang pagiging artist.
“When we sang together yung ‘Dahil Sa’Yo,’ the song kind of had a different meaning. ‘Di ko inisip na ganun ‘yung meaning niya dati, parang, woah, this is why I like to do music,” pahayag ng binata.
Ayon naman kay Arnie, isang dream come true ang makasama at makausap nang personal ang kanyang idolo.
“‘Yun po ‘yung time na feeling ko wala akong sakit. Yung ang saya saya lang, ‘yung time na ‘yun parang wala, sa sobrang saya po,‘yung time na ‘yun nanghihina ako tapos dumating siya,” ang pahayag ni Arnie noon sa panayam ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.