Death penalty provision isiningit sa panukalang pagbabago sa drug law | Bandera

Death penalty provision isiningit sa panukalang pagbabago sa drug law

Leifbilly Begas - February 06, 2019 - 01:44 PM

MAY isiningit na death penalty provision ang Kamara de Representantes sa mas mabigat na Dangerous Drugs law na inaprubahan nito sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa botong 172-0 at walang abstention, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang House bill 8909.

Ayon sa panukalang pagbabago sa Section 13 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang sinumang mahuhuli na may dalang droga, gaano man karami, sa isang party, social gathering o meeting ang parusa ay habambuhay na pagkakabilanggo hanggang kamatayan. 

Ito ay bukod pa sa P500,000 hanggang P10 milyong multa.

Sa kasalukuyan ay walang parusang kamatayan sa bansa. May panukala na ibalik ang death penalty na naipasa na ang Kamara subalit hindi ito naaprubahan sa Senado.

Isinama na rin sa mga maaaring maparusahan ang mga may-ari ng lugar kung saan may itinayong drug den. 

Ang sinumang tao na malapit sa isang drug laboratory ay ituturing na sangkot sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng panukala, kailangang sumailaim sa drug test ang mga atleta, propesyonal man o hindi, ng dalawang beses kada taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending