NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Davao Occidental kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:17 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 447 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 61 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Ayon sa Phivolcs posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito bagamat walang inaasahang pinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending