Panty gamit ng magnanakaw na pantakip sa mukha
PANTY ang ginamit na pantakip sa mukha ng isang lalaki upang hindi makilala kapag nahagip ng surveillance camera matapos na magnakaw sa Quezon City.
Ang panty na ginamit ng lalaki ay kinuha umano siya sa sampayan ng pinasok na bahay sa Brgy. Bahay Toro noong Sabado.
Pinasok ng lalaki ang bahay ng biktima na ayaw magpabanggit ng pangalan at nagnakaw ng pera.
Para makatakas ay tumawid ito sa kabilang bakod kung saan mayroong CCTV kaya kumuha ito ng panty kanyang ipinantakip sa kanyang ulo bago muling umakyat sa bakod para makalabas.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na may nanakawan sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.