Kylie sinabihan ni Aljur na wag umalis sa GMA 7
PAGDATING sa trabaho at career, hindi pinakikialaman ni Aljur Abrenica ang diskarte ng kanyang asawang si Kylie Padilla.
Ayon sa Kapuso actress, never siyang pinilit o sinabihan ni Aljur na lumipat na rin sa ABS-CBN tulad ng ginawa nito, para mabigyan sila ng chance na magkasama sa trabaho.
“When it comes to my career, I have the last say. Siyempre, ipapaalam ko sa kanya yung mga gusto kong gawin. Pero at the end of the day, ako pa rin (ang magdedesisyon),” pahayag ni Kylie sa presscon ng bago niyang primetime series sa GMA, ang TODA One I Love na nagsimula na last Monday.
Dagdag pa ng Kapuso mom, “What he said to me, ‘Alam mo, sa ngayon you have a place there sa GMA.
So gawin mo na lang yung best mo.’ Hindi naman sa makabawi. Ang pangit ng bawi pero ipakita mo sa kanila na you’re ready to work again.”
Hirit pa ni Kylie, “Actually, na-enjoy ko siya, ‘We have our respective places na, di ba? So he goes to work. I go to work. We have two different worlds. Pero nagma-match din when it comes to the right time like when we attended the ABS-CBN Ball. Nakapunta ako du’n.”
Mas mabuti na raw yung may kanya-kanya silang ginagawa na magkahiwalay para mas challenging at para may pagkuwentuhan silang bago sa isa’t isa.
“Dati kasi when we were younger, halimbawa, magre-rehearsal, magkikita na naman kami sa rehearsal. Tapos hindi ko alam kung magiging sweet ba ako, or yung ilulugar mo pa yung sarili mo. Ngayon, it’s very professional na, wala nang ganu’n,” chika pa ni Kylie.
Samantala, mainit namang tinanggap ng mga manonood ang pagsisimula ng TODA One I Love last Monday sa GMA Telebabad. In fairness, buhay na buhay pa rin ang tambalan nina Kylie at Ruru Madrid na mas kilala sa tawag na
KyRu.
Kaya patuloy na subaybayan ang kauna-unahang political romcom ng GMA, ang TODA One I Love.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.