Ronnie inoperahan sa tuhod: Sana nga maka-recover agad
SUCCESSFUL ang operasyon sa tuhod ni Ronnie Alonte. Nagpapagaling na ang binata ngayon matapos mapuruhan ang kanyang tughod sa kinasangkutan aksidente habang nagba-basketball.
Sa isang panayam noong nakaraang Linggo, sinabi ni Ronnie na naka-schedule siyang magpaopera last Thursday.
“May plano sa akin na ooperahan na tuhod ko this Thursday. Sana maka-recover ako agad. At least sana makalakad ako. Dahil kung hindi, baka mag-Valentine’s Day kami ni Loisa (Andalio) sa ospital. Kasi nagti-therapy ako niyan,” ang kuwento ng binata sa nasabing panayam.
Hulyo nitong nakaraang taon nang magkaroon ng knee injury si Ronnie dahil sa paglalaro ng basketball, “Yung injury ko parang ‘yung sa rugby players. Yung nakukuha sa sadyang banggaan talaga. So anytime, pwede siyang bumigay nang malala.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.