CJ Perez naging kauna-unahang PBA Rookie of the Month | Bandera

CJ Perez naging kauna-unahang PBA Rookie of the Month

Melvin Sarangay - February 04, 2019 - 07:31 PM

PINATUNAYAN ni CJ Perez na tama lang ang pagkakapili sa kanya bilang No. 1 overall pick sa 2018 PBA Rookie Draft.

Hinatid kasi ng dating NCAA season MVP ang Columbian Dyip sa 2-2 record sa kanilang unang apat na laro sa season-opening Philippine Cup.

Agad na nagpakitang gilas sa kanyang PBA debut si Perez sa pagkamada ng 24 puntos sa second half para pamunuan ang Dyip sa 124-118 upset win kontra defending champion San Miguel Beermen. Ang manlalaro na kilala sa tawag na ‘Baby Beast’ ay nagtapos na may 26 puntos at limang rebound sa laro kontra Beermen.

Pinangungunahan din ng 25-anyos na si Perez sa scoring at rebounding ang Columbian sa kanyang mga average na 16.0 puntos at 7.8 rebound kada laro habang meron din siyang 4.0 assist at 2.0 steal.

Ang pagdating ni Perez ay walang duda na nagpalakas sa koponan na nakapagtala lamang ng isang panalo sa pareho ring all-Filipino conference noong isang taon.

Dahil sa kanyang impresibong paglalaro para sa Dyip ngayong season, si Perez ang naging unanimous choice para maging kauna-unahang tumanggap ng PBA Press Corps Rookie of the Month award para sa buwan ng Enero.

Tinalo ng dating wingman ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang tinalo ang tatlong iba pang mahuhusay na rookies para sa parangal.

Nakalaban ni Perez para sa nasabing parangal sina Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier, Abu Tratter ng Blackwater Elite at Javee Mocon ng Rain or Shine Elasto Painters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending